Nagdulot ng katatawanan sa social media ang tweet ng isang sinasabing "die hard" AlDub fan kaugnay ng naganap na kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 28, 2023.

Ayon sa kumakalat na tweet, naniniwala ang netizen na ito peke ang kasal nina Arjo at Maine. Ikinasal daw ang Kapamilya actor-politician sa "clone" ng kaniyang wife-to-be, at ang tunay na Maine daw ay nag-aalaga ng kanilang mga anak ni Alden Richards.

"Balita ko Garden wedding daw ang ganap sa Baguio... hahaha... forecast maghapon uulan... good luck... paano walang simbahan ang papayag sa Fake na kasal..." mababasa sa tweet.

"Anyway di naman totoong M yun... si Clonie ang ikakasal kay Panot.. Nandun nag-aalaga ng 3 anak si Mumshie."

AlDub pakulto na raw; Maine, mas may karapatang kumuda tungkol sa love team

Photo courtesy: Mila Cambal 23/Twitter X

Makikitang nireretweet din ng nabanggit na account ang iba pang posts na nagpapatunay na totoong ikinasal sina Alden at Maine bilang AlDub.

https://twitter.com/05Fatima_13/status/1684991460028932096

https://twitter.com/AnitaPinpin2/status/1684833232771268608

Sey naman ng ilang mga netizen, tila"delulu" (delusional) ang nabanggit na netizen at iba pang patuloy na naniniwalang totoo ang relasyon ng AlDub sa realidad.

"May saltik yata siya..."

"Jusko nasa AlDub phase pa rin si ante, hindi pa nakausad..."

"Nabuang na haha."

"Delulu amp."

"Gising girl, 2023 na!"

Matatandang nagsalita na sina Maine at Alden patungkol sa kumakalat na balitang tila "mala-kulto" na raw ang ilang AlDub fans dahil sa paniniwalang ikinasal talaga silang dalawa, batay sa naging episode ng "Kalyeserye" noon sa "Eat Bulaga!"