Isa ka rin ba sa mga aliw na aliw noon sa paglikha ng mga imahen tulad ng “star” at “bahay ni Tarzan” sa iyong mga kamay gamit lamang ang goma o lastiko?

Bukod sa pamigkis ng iba't ibang bagay, gulay, o kaya naman ay panali sa buhok, ginagamit din kasi ang lastiko sa iba’t ibang uri ng laro!

Para sa 53-anyos na si Red Ballesteros, isa sa mga kinahihiligan niyang laro noong bata siya ay ang lastiko.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Ballesteros na nasa 10-anyos siya, taong 1980, nang mahilig sa paglalaro nito.

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

Ilan daw sa mga nalilikha nilang magkakalaro gamit ang lastiko noon ay ang “star,” “double star,” “bahay ni tarzan,” at “star rangers (masks).”

“Nostalgia,” paglalarawan ni Ballesteros sa karanasan niya sa paglalaro ng lastiko.

Ayon pa sa kaniya, masarap balikan ang mga panahon ng kaniyang kabataan kung saan hindi pa umano uso ang gadgets.

“Na-enrich experiences mo in the past tapos mako-compare mo sa mga bata ngayon na ma-gadgets, so iniisip ko mas masaya mga bata noon maski walang gadgets,” saad ni Ballesteros.

Samantala, kinagigiliwan din ng mga bata noon ang ibang mga larong ginagamitan ng lastiko, tulad ng chinese garter, chinese kingkong, at dampa.

Larong "dampa" (Courtesy: Flickr)

Ang "dampa" ay isang uri ng laro kung saan ihahampas ng mga manlalaro ang kanilang kamay sa sahig para mapagalaw ang lastiko.

Ikaw, anong larong ginagamitan ng lastiko ang kinagigiliwan mo noong bata ka?