Walo hanggang 11 na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong 2023.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“We expect about eight to 11 more typhoons to enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) this year,” pahayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) deputy administrator Nathaniel Servando sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.

Inaasahan niyang tatama sa bansa ang malalakas na bagyo sa Setyembre at Oktubre ngayong taon.

Aniya, magdudulot ng positive effect sa bansa ang mga inaasahang bagyo dahil inaasahang magpapaulan ito at makatutulong upang maging sapat ang suplay ng tubig sa nalalapit na El Niño phenomenon.

Kaugnay nito, posible umanong hindi na humagupit sa bansa ang bagyong Falcon dahil lalabas na rin ito sa PAR sa susunod na linggo.