Pinagkalooban ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P10 milyong pondo ang Office of the Vice President (OVP) upang magamit nila sa kanilang Medical Assistance Program (MAP).

Ang mga opisyal ng PCSO, sa pangunguna ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles, kasama sina Assistant General Manager for Charity Sector Dr. Larry R. Cedro at iba pang opisyal mula sa PCSO, ay personal na nagtungo sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte, upang lumagda sa isang makasaysayang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagkakaloob ng naturang pondo.

Mismong si VP Saa naman ang tumanggap ng tseke mula kay Robles sa isang simpleng seremonya nitong Huwebes, Hulyo 27, 2023, sa OVP, Cybergate Building, Mandaluyong City.

Nabatid na kasama sa Medical Assistance Program ng OVP ang pagbibigay ng financial assistance para sa Hospital Bill, Dialysis Treatment, Medicines, Laboratory Procedure, Chemotherapy, Brachytherapy, Radiation Therapy, Implant, Medical Equipment, Assistive Device, at ang Physical/ Speech/ Occupational Therapy.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naniniwala naman ang PCSO na ang tulong na ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas malusog na kinabukasan para sa mamamayan ng bayan.