Isang Bulakenyo ang pinalad na makapag-uwi ng tumataginting na P93.6 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson of the Board at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang six-digit winning combination ng SuperLotto 6/49 na 42-12-25-05-19-18 kaya’t naiuwi niya ang katumbas na premyo na ₱93,693,905.40.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Balagtas, Bulacan.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Robles ang lucky winner na upang makubra ang kanyang premyong napanalunan, ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kinakailangan din aniya nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Paalala pa ni Robles, ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa itinatakda ng TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon matapos ang araw nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Muli rin namang hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Super Lotto 6/49 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.