Nag-file ng leave si presidential adviser on creative communications Paul Soriano ayon mismo kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil noong Martes, Hulyo 25.

"Personal matters" daw ang dahilan ng kaniyang leave, ayon kay Garafil.

Marami kasi ang nagtaka kung bakit hindi si Direk Paul ang nagdirehe ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong Lunes, Hulyo 24.

Si Soriano raw ang magdidirehe sana ng SONA subalit sinalo ito ng Radio Television Malacañang.

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education

Tila napagtatagni naman ng mga netizen ang dahilan ng kaniyang leave matapos mag-Instagram story ng kaniyang buntis na misis na si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga habang siya ay nasa ospital.

Makikitang nakasuot ng itim na sumbrero at face mask si Toni habang nakahiga sa hospital bed.

Caption ni Toni, pabalik-balik sila sa doctor's check-up simula nang tumapak ang Hulyo.

Pinasalamatan niya ang asawa sa lagi nitong pag-alalay sa kaniyang tabi.

"Thank you for never leaving my side in this last stretch," anang Toni.

"Needed you now more than ever..."

"Thank you for being the best partner in this journey... Anytime now... Love you @paulsoriano," dagdag pa.

Photo courtesy: Toni Gonzaga-Soriano's IG