Pinalalakas pa ng Pilipinas at Malaysia ang kanilang relasyon kasunod ng isinagawang bilateral meeting sa nasabing bansa nitong Miyerkules.

Sa joint press briefing nitong Hulyo 26, isinapubliko nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Malaysian Prime Minister (PM) Dato’ Seri Anwar Ibrahim ang resulta ng kanilang pagpupulong.

Kabilang sa napagkasunduan ng dalawang lider sa naturang pagpupulong ang nakatakdang Joint Commission Meeting ng Pilipinas at Malaysia sa Oktubre, kasama si Ibrahim.

Inaasahang tatalakayin sa nalalapit na pagpupulong ang tungkol sa transnational crimes, agriculture, Halal industry, Islamic banking, education, tourism and culture, sports, at digital economy.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ipinaliwanag ng Pangulo, malaking bagay ang pagiging miyembro ng Pilipinas at Malaysia sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) at Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth (BIMP-EAGA) para mapaigting pa ang relasyon ng mga ito.