Umani ng papuri sa social media ang aktor na si Joseph Marco matapos niyang sagipin ang isang payat at may sakit na pusa.

Sa isang Instagram post ni Joseph, ibinahagi niya ang isang video ng kaniyang pagsagip sa pusang pinangalanan niyang Sylvester.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

View this post on Instagram

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)

“I would always play with this cat everytime I visit my resto. But I got alarmed… he lost so much weight,” kuwento ni Joseph.

“He has colds and been squeezing a lot. So I decided to bring him to the vet,” dagdag niya.

Makikita naman sa video ang pagkarga ni Joseph sa pusa gamit ang pang-alalay na maliit na kahon para idala sa kaniyang sasakyan at magtungo sa beterinaryo.

“He was pretty confused. I guess he has never been inside a car. I named him Sylvester. It’s his first time going to the vet. Hope he recovers soon. Prayers for Sylvester,” saad pa ng aktor.

“Praying for his recovery 🙏🏻,” komento naman ni Alexa Ilacad sa naturang post ni Joseph.

Bukod kay Alexa, ilang netizens din ang nagbigay ng komento at pumuri sa ginawang kabutihan ni Joseph kay Sylvester. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Aww that’s how nice of you ❤️🙌🙌🙌.”

“You're handsome but your heart is kind 🥺🐾🐈.”

“awwwww this is so heartwarming 🥹💕.”

“Good job Marco….”

“ay Grabeh!!! 😍😍 Thank you Sir, Marco! 🥺”

“God bless you.”

“You're such a compassionate guy. Please post an update 🙏.”

Hindi ito ang unang beses na sumagip ang aktor ng pusang walang masisilungan.

Kamakailan lamang, ibinahagi ni Joseph ang development sa sugatang pusang sinagip niya sa isang kalsada sa Makati City.

MAKI-BALITA: Joseph Marco, sumagip ng pusa; netizens, gusto na ring magpaalaga