Naghihintay na ang ₱91 milyong premyo sa mga tataya sa Super Lotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bobolahin ngayong Huwebes, Hulyo 27.

Batay sa jackpot estimates ng PCSO, tumataginting na ₱91 milyon ang puwedeng mapanalunan sa Super Lotto habang nasa ₱5.9 milyon naman ang Lotto 6/42. 

May be an image of 1 person and text

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets at tayaan ang mga paboritong numero at maging instant milyonaryo. 

Binobola ang Super Lotto 6/49 kada Martes, Huwebes, at Linggo habang ang Lotto 6/42 naman ay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.