Ipinasilip sa netizens ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ang ipinapagawa nilang bahay ng mister niyang si Mikee Morada.

Sa Instagram post ni Alex nitong Martes, Hulyo 25, makikkitang tila buo na ang pundasyon ng kanilang ipinapatayong bahay at mukhang kaunting panahon na lang ay maaari nang tirahan.

“Mga suki pasok na kayo pwedeng pwede! 😅,” mababasang caption sa kaniyang naturang post.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ibinahagi pa ni Alex ang motto nilang mag-asawa na “Slowly but surely ang motto namin para sa gastusin slowly lang din ang kaltasan,” aniya.

Agaw-pansin naman ang komento ng isang netizen na napagkamalang simbahan umano ang ipinapatayong bahay.

“Saan po itong church na itatayo niyo?” ani netizen.

Sinagot naman siya ng isang netizen na nilinaw na hindi simbahan iyon kundi kanilang bahay.

“Ay sorry po kala ko po simbahan. The design is very quiapo church,” dagdag pa ng netizen.

Matatandaang unang naipasilip at napanood sa kaniyang YouTube Channel na “Alex Gonzaga Official” at may titulong “House Update and Ground Breaking” ang ginawang groundbreaking ng kanilang ipatatayong bahay noong Agosto 28, 2021.