Kinuha ng social media personality na si Rendon Labador ang atensyon nina Unkabogable Star Vice Ganda at kaniyang partner na si Ion Perez matapos ang isang eksena sa segment na "Isip Bata" ng noontime show na "It's Showtime" noong Hulyo 25, 2023.

Ito ay matapos ang pagkain ng icing ng cake ni Vice at ni Ion sa kani-kanilang mga daliri habang nasa harapan daw ng mga batang kasama sa segment gaya nina "Argus" at "Kulot" na tila hindi nagustuhan ng influencer-negosyante.

Ani Rendon, wala namang masama kung bet daw nilang "magbaklaan" subalit huwag naman daw sana sa harapan ng mga bata.

"Wala namang masama na magbaklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata," anang Rendon sa comment section ng YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para kay Rendon, mas masahol pa raw ang ginawa ng dalawa sa drag queen na si Pura Luka Vega.

"I support & respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng mga tao ay hindi pwedeng itolerate!!! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega!"

Napapatanong na umano si Rendon kung ginagawa pa raw ba ng Movie and Television Review Classification Board o MTRCB ang kanilang trabaho. Pati ang ABS-CBN ay sinita na rin ng motivational speaker.

"May MTRCB pa ba? Nag-eexist pa ba sila? 🤦‍♂️ Galaw galaw mga boss!!!"

"Parang tanga din tong ABS-CBN na 'to! ang tagal tagal ninyo na sạ industry hindi ninyo pa alam pinaggagawa ninyo! Ayusin nyo 'yan!!!"

Samantala, nagpakawala naman ng makahulugang tweet si Vice Ganda hinggil sa ilang taong gustong sumikat kaya ginagawa raw ang lahat kesehodang magpaka-relevance.

Aniya sa kaniyang cryptic tweet, "Kung (ano-ano) na talaga ang pinapasok at ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no?"

"Yung kahit magpaka-toxic kakaririn nila basta makaamot lang ng relevance."

"How pathetic! Ang sad! It’s not mothering!"

Hindi naman tinukoy ni Vice kung sino ba ang pinatatamaan niya sa nabanggit na post.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang pamunuan ng It's Showtime o maging ng ABS-CBN tungkol sa isyu. Wala pa ring direktang pahayag sina Vice Ganda at Ion Perez hinggil dito. Bukas ang panig ng Balita para sa kanila.