Ikinuwento ng Kapuso actress na si Katrina Halili ang ginagawang pagdidisiplina sa kaniyang anak na si Katie, sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa panayam kay Katrina, kinumusta muna ni Tito Boy ang naging karanasan niya sa kamakailang GMA Gala.

“Kumusta ‘yong ano, kumusta ‘yong ball. How was it? Kumusta ‘yong iyong experience sa GMA ball?” tanong ni Abunda.

Tapat naman itong sinagot ni Katrina.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Actually at first po talagang kinakabahan ako, ayaw ko talagang pumunta… Syempre wala naman akong choice, nasa Manila ako, so required akong pumunta,” aniya.

“Pero pagdating ko doon sobrang saya ko, kasi nakita ko lahat ang mga co-workers ko na hindi ko na nakikita before, mga creatives, director, mga kaibigan ko,” dagdag pa niya.

Bukod dito, isa rin sa nausisa ng King of Talk kung mahigpit din ba siya sa pagpapalaki ng kaniyang anak na si Katie.

“In the context of pagpapalaki, mayroon ka bang ginagamit na estilo na ginawa ng mama sa’yo na ina-apply mo ngayon kay Katie?” tanong ni Abunda.

Sinagot naman ni Katrina at sinabing parang kagaya siya ng kaniyang nanay.

“Actually, parang kagaya ako ng nanay ko, sobrang strict, sobrang protective. Ganoon ‘yong mama ko sa akin. Sobrang strict, sobrang protective at ganoon ako sa anak ko ngayon,” aniya.

“Pero open kayo, nag-uusap kayo ng anak mo?” pasundot pang tanong ni Abunda.

“Yes. Oo, kasi kami ng mama ko like sinasabi ko naman before na hindi kami masyadong close ng mama ko, hindi kami nag-uusap ganiyan, kaya ngayon, ina-apply sa anak ko na kailangang mag-usap kami, kung mapagalitan ko man siya, kakausapin ko siya ng malumanay, hindi pwede ‘yong sigaw, sigaw, sigaw… Kasi, mas pipiliin ng anak ko na kausapin ‘yong iba kaysa ako, gusto ko ako,” huling pahayag ni Katrina.