Muling naungkat ng "It's Showtime" hosts lalo na si Unkabogable Star Vice Ganda ang tungkol sa trending at nagawan pa ng meme na outfit ni Anne Curtis nang dumalo ito sa "GMA Gala" kung saan inihambing ito sa isang "lumpia."

Kasamang dumalo ni Anne ang iba pang Showtime hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro.

"Audrey Hepburn" daw ang peg ni Anne sa kaniyang looks, na binagayan din ng kaniyang pa-bangs na hairstyle.

Bagama't marami ang pumuri sa kaniyang awrahan, isang netizen naman ang nagsabing nagmukha raw siyang "lumpiang shanghai" sa kaniyang suot.

Anne nagmukha raw shanghai na hindi pa napiprito: 'Pero ang ganda mo pa rin!'

"Hindi ko talaga matanggap ‘yung suot ni Ms. Anne Curtis sa #GMAGala2023. Mukhang shanghai na hindi pa napiprito. Here’s the comparison to prove my point," anang netizen/content creator, kalakip ang comparison photo ni Anne at sa isang litrato ng lumpiang shanghai.

Sa dulo ay bumawi naman ang netizen.

"Pero ang ganda mo pa rin po, Ms. Anne. Loveyouuu!"

Samantala, mukhang nakarating na kina Anne at Vice ang tungkol sa lumpia, matapos magbiro tungkol dito ni Anne. Makikita ito sa Instagram story ni Vice.

Giit ni Vice, mas maganda raw siya kay Anne kapag malayo at malabo ang shot.

"Here have some lumpia," biro ni Anne kay Vice habang hawak ang nakatuping dress.

https://balita.net.ph/2023/07/24/biro-ni-vice-ganda-mas-maganda-raw-siya-anne-nag-alok-na-lang-ng-lumpia/

Sa episode ng noontime show noong Lunes, Hulyo 24, muling naungkat ang tungkol dito nang humirit na si Vice tungkol dito.

"Wala siyang nahanap na outfit, ang nahanap niya lumpia," ani Vice.

"Yes!" natatawang segunda ni Anne.

"At least fresh lumpia! Forda fresh lumpia tayo..."

Hirit naman ni Vhong, isa siyang mamahaling lumpia nang gabing iyon.

Pagkatapos ay napag-usapan na nila ang mga ganap nila sa nabanggit na "biggest showbiz event" ng taon.

Nagpasalamat naman ang apat sa GMA Network matapos maimbitahan sa nabanggit na event.

Hangad ni Vice na sana raw, lahat na sila ay makadalo sa nabanggit na gala sa susunod pang mga taon.