Proud na ibinahagi ng isa sa mga miyembro ng all-male group na “Hashtags” sa “It’s Showtime” na si Zeus Collins sa kaniyang interview kay Ogie Diaz, ang pagmamahalan nila ng fiancée niyang si Pauline Redondo.

Itinanong ni Ogie kung itinuturing niyang suwerte ang fiancée na si Pauline.

“Itinuturing mo bang suwerte sa’yo si Pauline?” tanong ni Ogie.

Direkta naman itong sinagot ni Zeus.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Sobrang suwerte, as in. Ano eh, nag-switch ako noong nakilala ko siya. Kasi ‘yong wala pa siya sa buhay ko, as in walwal din ako. Syempre Hashtags, makikita mo ‘yong mga babae. Nagkaka-girlfriend din ako pero wala, ganoon pa din,” aniya.

“Hanggang sa dumating siya. Doon ko talaga nakita na, para akong nakaramdam ng takot, nakaramdam ako ng hiya, ‘yong nakaramdam ako ng respeto sa babae na, hindi pala ganoon,” dagdag pa niya.

Ibinahagi pa ni Zeus na dahil sa kaniyang fiancée ay mas lalo siyang napalapit sa Panginoon.

“Ang dami kong na-realize noon. Tapos dahil din sa kaniya, mas lalo akong napalapit kay Lord, kasi Christian siya, hanggang sa naging Christian din ako. Kaming dalawa, nagchu-church kami together every sunday. As in, napakasuwerte ko na nakilala ko siya. Nabago niya ‘yong buhay ko, ‘yong pananaw ko sa buhay, as in lahat,” huling pahayag ni Zeus.

Samantala, inamin din ni Zeus na halos walang-wala siya noon sa pera dahil sa pandemya hanggang sa sumugal sa negosyo at napalago ito.