National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Magpapatupad ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes, Hulyo 25.

Sa inilatag na abis ng Shell, Caltex, SeaOil at Clean Fuel, nasa P1.35 ang ipapatong sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P.45 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Ipatutupad naman ng Shell, Caltex at SeaOil ang dagdag na P.35 sa presyo ng bawat litro ng kerosene.

Ang price adjustment ng Shell at Seaoil ay epektibo dakong 6:00 ng umaga.

Pagsapit naman ng 4:00 ng hapon, magpapatupad naman ng kahalintulad na taas-presyo ang Clean fuel.

Ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.