Nakataas na sa Signal No. 5 ang silangang bahagi ng Babuyan Islands, habang ilang mga lugar sa Luzon ang kasalukuyang nasa Signal No. 4, 3, 2, at 1, dahil sa Super Typhoon Egay, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng Hapon, Hulyo 25.

Sa tala ng PAGASA kaninang 2:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Egay 230 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 240 sa silangan ng Aparri, Cagayan, na may maximum sustained winds na umaabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 230 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil dito, nagtaas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang mga lugar sa Luzon.

National

PAGASA, may namataang bagong LPA sa labas ng PAR

Signal No. 5

  • Silangang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Island)

Signal No. 4

  • Hilagang-silangan ng mainland Cagayan (Santa Ana at Gonzaga) 
  • Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands

Signal No. 3

  • Hilagang-silangan ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini)
  • Mga natitirang bahagi ng Cagayan
  • Apayao
  • Silangang bahagi ng Ilocos Norte (Vintar, Adams, Pagudpud, Dumalneg, Nueva Era, Carasi, Bangui, Piddig, Solsona)
  • Hilagang-silangan ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk)
  • Batanes

Signal No. 2

  • Mga natitirang bahagi ng Isabela
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
  • Quirino
  • Mga natitirang bahagi ng Kalinga
  • Hilagang-silangan ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
  • Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok) 
  • Hilagang bahagi ng La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol)

Signal No. 1

  • Quezon kabilang na ang Pollilo Islands
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
  • Mga natitirang bahagi ng Benguet
  • Mga natitirang bahagi ng La Union
  • Nueva Ecija
  • Pangasinan
  • Tarlac
  • Zambales
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Bataan
  • Marinduque
  • Cavite
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Laguna
  • Batangas
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Catanduanes

Inaasahan umanong magla-landfall o lalapit ang bagyo sa Babuyan Islands-northeastern mainland Cagayan sa pagitan ng Martes ng gabi at Miyerkules ng umaga, Hulyo 26.

“Slight northward or southward shift in this segment of the track (but within the forecast confidence cone) may result in a landfall or close approach over northern mainland Cagayan or Batanes,” anang PAGASA.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Huwebes ng umaga, Hulyo 27.

Samantala, maaari pa rin umanong magpaulan ang pinalakas ng bagyo na Southwest Monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.