Hindi maitatangging isa sa mga inabangan at hanggang ngayon ay patuloy na pinag-uusapang Kapuso star na dumalo sa GMA Gala 2023 noong Sabado ng gabi, Hulyo 22, 2023, ay si Heart Evangelista.

Ngunit sa latest tsika nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tota Jegs sa kanilang vlog, napag-usapan nila ang mga umiikot na espekulasyong "nilayasan" na raw ang actress-fashion icon ng kaniyang dating glam team.

Ayon sa nabalitaan ni Ogie, dahil raw sa "nagbagong attitude" ni Heart kaya hindi na ang dating make-up artist at hairstylist na paminsan ay nakakasama sa vlog, ang nag-aayos ngayon sa kaniya.

May binanggit ding designer si Mama Loi na nakasamaan din umano ng loob ni Mrs. Escudero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nangyari daw ang tila pagkalagas sa glam team ni Heart nang magsimula nang umingay ang pangalan niya sa iba't ibang fashion week sa ibang bansa.

Hindi ito nakumpirma ng tatlo kay Heart sa GMA Gala dahil hindi na nila na-sightsung ang misis ni Sen. Chiz Escudero, sa dami raw ng mga nagsidalo at laki na rin ng ballroom.

Nagpakita pa ng resibo ang hosts na nag-unfollowan na raw sa Instagram sina Heart at ang mga dating miyembro ng glam team.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Heart tungkol dito. Bukas ang panig ng Balita para sa Kapuso star.