Naghihintay na sa lottor bettors ang milyun-milyong papremyo ng Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules ng gabi, Hulyo 26.

Base sa inilabas ng jackpot estimates ng PCSO, papalo sa ₱29.7 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto habang nasa ₱14 milyon naman ang Mega Lotto. 

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at bumili na ng kanilang lotto tickets.

Binobola ang Mega Lotto kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes at tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado naman ang Grand Lotto.

Samantala, walang nagwagi tumataginting na ₱86,355,862.20 ng Super Lotto 6/49 na binola nitong Martes ng gabi.

Maki-Balita: ₱86.3M ng Super Lotto, ‘di napanalunan!

May be an image of 1 person and text that says 'JACKPOT ESTIMATES 6/45 WEDNESDAY, JULY 26, 2023 A55 GRAND 29.7 MILLION P6/45 OTITTT S 18+ MEGALOTTO 6/45 14 NATIONAL LOTTERY MILLION'