Ang showbiz news insider at talent manager na si Ogie Diaz nga ang tinutukoy ni GMA headwriter Suzette Doctolero na dati niyang nakaaway noon sa social media, subalit nang magkita sila nang personal sa ginanap na "GMA Gala" noong Sabado, Hulyo 22, ay nakatitigan niya, nakayakapan, at nakahalakhakan pa.

Ani Suzette, nagtama ang mga mata nila ng nabanggit na personalidad at nagkahalakhakan ba bago nagyakapan.

"Mayroon rin akong nakita last night, nakaka-'away' madalas, nakakashoroyan, pero nung nagtama ang mga mata namin kagabi, kapwa kami napahalakhak sabay hug na mahigpit."

"Parang pamilya na nakakaasaran mo, pero bati pa rin kayo kasi iisa ang mundo ninyo," dagdag pa ng award-winning writer.

Suzette Doctolero nayakap ang isang 'nakakaaway:' 'Nagtama mga mata namin kagabi!'

Bagama't walang binanggit kung sino, hula ng netizens ay si showbiz insider at talent manager Ogie Diaz ang binabanggit niya, na naispatang dumalo rin sa nabanggit na gala, kasama ang co-hosts sa "Ogie Diaz Showbiz Update" na sina Mama Loi at Tita Jegs.

At sa latest episode nga ng "Ogie Diaz Showbiz Update" nitong Martes ng gabi, Hulyo 25, mula mismo kay Ogie ang kumpirmasyong nagkaayos na nga sila ni Suzette na lagi niyang nakakaparinigan noon sa social media.

"Ito nakakaloka, nag-meet kami ni Suzette Doctolero," ani Ogie.

"Pagkita namin sa isa't isa, pak... sabi namin, 'Hahahahahaha! Ahahahahahaha!' Tawanan lang kami, wala nang explanation, wala nang pali-paliwanag, Diyos ko nagyakap kami, nag-picture kami... wala!"

Ayon kay Ogie, hindi naman daw kasi sa personal level ang naging "away" nila ni Suzette kundi sa linya lamang ng trabaho.

"Thank you ha, Suzette," pasasalamat ni Ogie sa writer.

Kaya lang daw, mukhang hindi pa siya na-unblock ng headwriter sa Twitter, na natuklasan niya dahil ita-tag niya sana ito sa tweet para sa larawan nila.

Mukhang nakarating naman ito kay Suzette at minention na si Ogie sa Twitter.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1683807542961668096?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet