Grabe ang suporta at pagmamahal na ipinakikita ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez sa magiging manugang o daughter-in-law na si Maine Mendoza.

Matapos nga ang bonggacious na pamamanhikan ng angkang Atayde sa Casa Mendoza sa Bulacan, heto't may pa-bridal shower pa si Ibyang kay Maine, na ilang sandali na lamang at ihaharap na sa dambana ng kaniyang anak na si Kapamilya actor-politician Arjo Atayde.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Hulyo 24, ibinida ng premyadong aktres ang inihandog nilang bridal shower para kay Maine.

"Happy to welcome you to our big happy and crazy family. Soon!!! Mrs Maine Mendoza Atayde ka na," anang soon-to-be mother-in-law ni Maine.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Can't wait for the Big Day. Love you, my soon to be Daughter in law," mababasa sa caption ng IG post.

Kalakip ng post ang ilang video at kuhang larawan hinggil sa naganap na bridal shower.

Sa comment section ay mababasa naman ang tugon ni Maine sa kaniyang future mother-in-law.

"Aahhhh thank you so much Roco, Campo, and Atayde family for last night. Had such a wonderful time with everyone. Thank you, tita… future mom!!! Love you," anang Maine.

Samantala, hindi pa malinaw kung kailan na nga ba maririnig ang wedding bells nina Arjo at Maine, pero maugong ang bulong-bulungang bago matapos ang Hulyo 2023 ay ikakasal na umano sila.