Nakataas na sa Signal No. 5 ang buong Babuyan Islands dahil sa Super Typhoon Egay, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng gabi, Hulyo 25.

Sa tala ng PAGASA kaninang 8:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Egay 135 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal ang mga sumusunod na lugar:

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Signal No. 5

  • Babuyan Islands

Signal No. 4

  • Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes)

Signal No. 3

  • Hilagang-silangan ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini), 
  • Mga natitirang bahagi ng Cagayan
  • Apayao
  • Ilocos Norte
  • Hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan)
  • Batanes
  • Hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas)

Signal No. 2

  • Mga natitirang bahagi ng Isabela
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
  • Quirino
  • Mga natitirang bahagi ng Kalinga
  • Hilagang-silangan ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
  • Ilocos Sur
  • Mga natitirang bahagi ng Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok)
  • Hilagang bahagi ng La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol)

Signal No. 1

  • Hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio) kabilang na ang Polillo Islands
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
  • Mga natitirang bahagi ng Benguet
  • Mga natitirang bahagi ng La Union
  • Nueva Ecija
  • Pangasinan
  • Tarlac
  • Zambales
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Bataan
  • Cavite
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Laguna
  • Camarines Norte
  • Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi)
  • Hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran) 
  • Hilagang bahagi ng Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City)

Inaasahan umanong magla-landfall o lalapit ang bagyo sa Babuyan Islands-northeastern mainland Cagayan sa pagitan ng Martes ng gabi at Miyerkules ng umaga, Hulyo 26.

“Slight northward or southward shift in this segment of the track (but within the forecast confidence cone) may result in a landfall or close approach over northern mainland Cagayan or Batanes,” pag-uulat ng PAGASA.

Inaasahan din umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Huwebes ng umaga, Hulyo 27.

Samantala, ayon pa sa PAGASA, patuloy pa ring uulanin ang kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw dahil sa Southwest Monsoon o habagat na pinalakas ng bagyong Egay.