Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 4 ang hilagang-silangan ng mainland Cagayan, partikular na ang bayan ng Santa Ana, ngayong Martes ng umaga, Hulyo 25, dahil sa Super Typhoon Egay.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng super typhoon Egay 270 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, na may maximum sustained winds na umaabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 230 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Samantala, nakataas na rin sa Signal No. 3 ang mga sumusunod na lugar:

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Luzon

  • Babuyan Islands
  • Hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig)
  • Hilagang-silangan ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan)
  • Hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)

Itinaas naman ng PAGASA sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • Batanes
  • Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
  • Mga natitirang bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
  • Mga natitirang bahagi ng Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan)
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

Bukod dito, kasalukuyan namang nakataas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar: 

Luzon

  • La Union
  • Pangasinan
  • Mga natitirang bahagi ng Benguet
  • Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Zambales
  • Bataan
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Laguna
  • Cavite
  • Batangas
  • Quezon
  • Marinduque
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Burias Island
  • Ticao Island

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang magla-landfall o lalapit ang bagyo sa Babuyan Islands-northeastern mainland Cagayan sa pagitan ng Martes ng gabi at Miyerkules ng umaga, Hulyo 26.

“Slight northward or southward shift in this segment of the track (but within the forecast confidence cone) may result in a landfall or close approach over northern mainland Cagayan or Batanes,” saad pa ng PAGASA.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Huwebes ng umaga, Hulyo 27.

Samantala, maaari pa rin umanong magpaulan ang pinalakas ng bagyo na Southwest Monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.