Mainit na “blind item” ang muling pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez tungkol sa isang male personality na wala raw utang na loob.

Sa latest YouTube video na “Showbiz Now Na” noong Linggo, Hulyo 23, bukod sa mga usaping showbiz, huling napag-usapan ng mga naturang hosts ay ang tungkol sa nabanggit na male personality.

Sinimulan ni Romel ang chikahan sa pagsabing isang male personality at nangangarap sumikat ang tampok sa kanilang naturang blind item.

Tinawag niyang “NPA” o no permanent address ang male personality dahil kung kanino-kanino raw ito inilalako at ipinapakiusap para lang bigyan ng chance na ipasok sa mga programa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pagbabalik-tanaw naman ni Cristy, noong nakatira pa ang male personality sa dati niyang komunidad, siya raw ang kinatawan ng kanilang pamilya para umutang sa tindahang malapit sa kanila.

Hindi rin nagtagal ay nagalit na rin umano ang inuutangang tindahan dahil sa haba na rin ng kanilang nakalistang utang at hindi na raw mabayaran.

Para naman makabayad kahit papaano, tumutulong-tulong daw sa naturang tindahan ang male personality.

Ayon pa kay Romel, dumating na raw ang araw na naging mabait na sa male personality ang tadhana.

Unti-unti na raw nagbubukas ang mga pintuan sa kaniya sa isang network.

Sa kabila nito, dagdag chika pa ni Romel, tila nakalimot naman daw agad ang male personality sa kanilang pinagkakautangan noon.

Biro pa ni Romel sa male personality, kahit man lang daw na bumati sa dati niyang pinagkakautangan ay hindi niya magawa.

Sa madaling salita, sinabi nina Cristy at Romel na hindi marunong tumanaw at wala raw utang na loob ang male personality.

Sa kabilang banda, ginamit nila ang tawag sa mga lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa upang kumpletuhin ang una hanggang huling letra ng pangalan ng kanilang nasa blind item.