Sumagot ang Kapuso star na si Barbie Forteza sa pagkakapili sa kaniya ng Kapamilya star na si Joshua Garcia matapos sabihing siya ang may pinakamagandang dress sa ginanap na GMA Gala 2023 noong Sabado ng gabi, Hulyo 22, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng GMA News, natanong si Joshua kung sino para sa kaniya ang Kapuso star na bibigyan niya ng Best Dress Award.

“Barbie (Forteza). Siya ‘yong nasa harapan ko kanina,” ani Joshua.

“Sabi ko, ang ganda ng dress nito. Hindi siya ganoon ka-flashy pero at the same time, nandoon ‘yong pagka-elegante noong babae,” dagdag pa niya.

Joshua Garcia, sinabing si Barbie Forteza may pinakamagandang dress sa ‘GMA Gala’

Nang makarating ang naturang panayam kay Barbie sa Twitter, tila pa-kwela pang nagpasalamat ito kay Joshua.

“Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat! ,” chika ni Barbie.

Samut-saring komento naman ng netizens ang mababasa sa comment section.

“Jak Roberto unsint a message.”

“Pwede pwede may chemistry hehehe.”

“Ay amaccana acla dalawa na sayo.”

“Tamang tamang tama! I love how hindi na need mag-isip nang bongga ni Joshua sa dami ng ibang pwedeng sabihin. Maybe coz she's really a standout.“

“Movie together pls!!! Star Cinema baka naman!”

“Haba ng hairrr ni ACLAAAAA!!!”

“Barbie Forteza everyone's favorite iktr.”