Tila mas tataas pa ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49, Ultra Lotto 6/58, at Lotto 6/42 dahil walang nagwagi sa milyun-milyong papremyo ng mga ito.

Sa official draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning numbers ng Super Lotto na 35-44-26-01-05-30 na may premyong ₱86,355,862.20. Gayundin sa Ultra Lotto na may premyong ₱52,505,425.80 na may winning numbers na 09-43-12-20-45-23. 

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

Wala ring nakahula sa 07-12-13-37-36-29 ng regular Lotto na may jackpot prize na ₱5,940,000.

Kaya asahan na mas tataas pa ang mga premyo. 

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang ang Ultra Lotto 6/58 naman ay may lotto draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Tuwing Martes, Huwebes at Sabado naman ang araw ng bola sa Lotto 6/42.

May be an image of ticket stub and text