Limpak-limpak na naman ang mga papremyo na naghihintay na mapanalunan ng mga parokyano ng tatlong lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bobolahin ngayong Martes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na aabot sa P84 milyon ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na maaaring mapanalunan sa lotto draw mamayang alas-9:00 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nasa P49.5 milyon naman ang papremyo ng UltraLotto 6/58 at P5.9 milyon ang sa Regular Lotto 6/42.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at bumili na ng kanilang lotto tickets.

“Gusto naming maging parte ng inyong tagumpay #Kalaro en #HubBarkadZ, kaya naman be sure to buy your tickets agad-agad dahil garantisado ang kasabikang dala ng mga #PCSOLottoGames natin para bukas, #TripleTreatTuesday!” anito pa.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang ang UltraLotto 6/58 naman ay may lotto draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Tuwing Martes, Huwebes at Sabado naman ang araw ng bola sa Lotto 6/42.