Inanunsyo ni Wilbert Tolentino na nagbibitiw na siya bilang talent manager ni Herlene Budol, epektibo sa Hulyo 31, 2023.

Buong Facebook post ni Wilbert nitong Lunes, Hulyo 24, "Ako po ay opisyal ng magbibitiw bilang Talent Manager ni Herlene Hipon Budol effective July 31, 2023. Sa loob ng isa’t kalahating taon, tumayo akong pangalawang magulang niya, sa kanyang karera at tinuring ko siyang para ko na rin anak."

"Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinag-isipan. Subalit kailangan ko nang pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyang-oras ang aking anak dahil una sa lahat tumatanda na si KaFreshness, at higit akong kailangan nya lalo't lumalaki na siya."

"Di lingid sa lahat, na bilang Talent Manager, ito ay ubos-oras na tungkulin."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Kulang ang bente kwatrong oras sa isang araw para sa sarili kong buhay. Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene."

"Sa maikling panahon ng pag-aalaga ko kaniya, marami na din kaming na-achieve, hindi lang sa buhay nya kundi sa karera nya bilang Beauty Queen."

"Unang salang ko sa kaniya sa Binibining Pilipinas 2022 ay naging 1st Runner-up siya kaagad sa tulong ng Kagandahang Flores at buong KaFreshness Glam team at dahil dyan marami ako nakuhang endorsement at proyekto para sa kaniya at wala pong komisyon kahit magkano dahil yun ang napapaloob sa aming kontrata at napagkasunduan bilang manager nya."

"Ngayon naman na kapapanalo lang n'ya bilang Miss Philippines Tourism 2023. Masaya ako para sa kanya dahil maka tungtong cya sa International Stage sooner."

"Pagdating naman sa pag-aartista, nabigyan ko naman eto ng isang malaking break sa tulong ng Kapuso Network na nagkaroon siya agad ng first lead role sa Magandang Dilag at mataas na ratings!"

"Marami pa siyang upcoming project na naisara ko para sa kaniya hanggang matapos ang taong 2023 ay magkakaroon siya ng TV commercial, billboard at makikita n'yo soon sa lahat ng supermarket ang mukha ni Herlene na i-alaunch ang isang produkto sa last quarter ng taon."

"Masaya ako para kay Herlene dahil natulungan at natupad ko mga pangarap n'ya tulad ng bagong bahay, kotse at iba pang investment naipundar po n'ya."

"Malayo pa ang mararating ni Herlene. Sana lang isapuso n'ya ang core value na itinuro ko sa kaniya na COMMITMENT, PROFFESIONALISM and GRATITUDE. I am very optimistic na lalago pa ang karera n'ya and more endorsement, tv shows and movies to come!"

Sa dulo ng kaniyang mahabang FB post ay nagpasalamat si Wilbert sa mga tao at kompanyang nagtiwala sa kanila.

Wala pang tugon, reaksiyon, post o pahayag si Herlene tungkol dito.