Usap-usapan ang pagpapakuha ng litrato ng South Korean superstar na si Kim Seon-Ho sa kaniyang dalawang billboards, na nagkataong nasa harapan naman ng Ilog Pasig.

Nagkaroon ng "fan meet" sa kaniyang Pinoy fans si Seon-Ho sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong Sabado, Hulyo 22.

Makikitang tila walang pakialam at dedma si Seon-Ho sa umaalingasaw na amoy na nagmumula sa tubig ng Ilog Pasig, na nahagip sa kaniyang background. Naglulutangan pa ang iba't ibang water lily sa tubig.

"시작부터 지금까지 계속 감동이에요 . 감사합니다 (From the beginning till now still impressed. Thank you)," mababasa sa caption ng IG post ni Seon-Ho.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nagpasalamat naman ang Pinoy fans sa sikat na South Korean heartthrob.

"Thank you for visiting notable spots in Metro Manila!! I hope you enjoyed your stay this time around."

"Nakakahiya man sa ilog namin pero mas nangibabaw naman ang kapogian mo babe."

"Thank you so much for visiting the Philippines again and for loving your Filipino fans."

"Had a great time during our FanMeet last night, @seonho__kim! Glad you got to have your photo taken with the iconic giant billboards along the Pasig River!"

Sumikat si Seon-Ho sa iba't ibang Korean dramas gaya ng "Start-Up," "Hometown Cha Cha Cha," at iba pa.