"Bilang na ang mga araw n'yo."

Ito ang banta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga agricultural smuggler at hoarder matapos sumalang sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa nitong Lunes ng hapon.

Aniya, ang mga smuggler ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng agricultural products.

"Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang mga smuggler, mga hoarder, at mga nagmamanipula ng produktong pang-agrikultura. Ihahabol at ihahabla natin sila," anang Pangulo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Sadyang hindi tama ang kanilang gawain at hindi rin ito tugma sa ating magandang layunin, pandaraya ang kanilang ginagawa. Napapahamak hindi lamang mga magsasaka, kundi tayo ring mamimili kaya't hindi natin papayagan ang ganitong kalakaran. Bilang na ang araw ng mga smugglers at hoarders na 'yan," anang punong ehekutibo.