Ibibigay na ng gobyerno ang Coronavirus disease 2019 (Covid-19) emergency allowance para sa mga healthcare worker (HCW).

Sa mahigit isang oras na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Batasang Pambansa nitong Hulyo 24 ng hapon, binanggit ng Pangulo ang naging sakripisyo ng mga HCW sa kasagsagan ng pandemya ng Covid-19 sa bansa.

"Upang masuklian naman natin ang naging sakripisyo ng mga health workers—pribado at pampubliko na mga ospital—noong nakaraang pandemya, ipapamahagi na sa kanila ang kanilang Covid-19 health emergency allowance at iba pang nabinbin na benepisyo,” paliwanag ni Marcos.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kamakailan, iniutos ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng ₱1.3 bilyong health emergency allowances (HEA) para sa mga private at public HCW.

Matatandaang itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Mayo ang napaulat na pagkaantala ng mga allowance at iba pang benepisyo ng mga healthcare worker at non-HCW.

Nilinaw ng DBM, naglabas sila ng ₱19.96 bilyon upang pondohan ang public health emergency benefits at allowance ng mga HCW.