Tila nagbigay ng kaniyang reaksiyon ang beteranang aktres na si Rita Avila hinggil sa nag-viral na video ng isang fan laban kay Broadway Diva Lea Salonga, matapos silang mapagsabihan dahil sa pagsugod sa kaniyang dressing room upang magpa-picture.

Ibinahagi ni Rita ang isang Facebook post tungkol dito at saka kinomentuhan.

"If the brain is smaller than a pea like a lice … BEWARE. End of discussion," aniya.

Paliwanag pa ni Rita, "Minsan napapahiya ang gustong magpapicture sa artista pag tinanggihan sila. Minsan sana maisip n'yo rin na baka may dinadalang mabigat yung artista na di kaya 'mamlastik' sa moment na yun. Baka nagmamadali talaga. Baka naiihi na. Baka nahihilo na. Baka feeling nila ang pangit nila para magpapicture. Tao rin po sila na minsan hindi handa."

Fan parang ipis na tinapakan, kutong tiniris daw sa ginawa ni Lea

"Kung masungit, sipain n'yo. Hehehe. Biro lang. Gaya n'yo, may mga moments din sila na hindi OK. Eh sa kaso ni Ms. Lea, nagpapicture naman siya doon sa tamang lugar."

Photo courtesy: Rita Avila's FB

Matatandaang sa panayam naman ni Julius Babao sa nabanggit na fan, sinabi nitong pakiramdam daw niya ay para siyang "ipis na tinapakan" at "kutong tiniris" sa ginawa ni Lea sa kaniya.

Sa pananaw naman ng singer-comedian na si Janno Gibbs, sinabi niyang wala siyang nakikitang mali sa ginawa ni Lea, subalit mas mainam daw kung mas nasabi ito nang mas maayos at walang fan na napahiya.

https://balita.net.ph/2023/07/18/janno-kampi-kay-lea-pero-sana-mas-nagsabi-raw-nang-maayos-hindi-napahiya-fans/