Hindi tinamaan ang ₱79,722,789.60 jackpot sa 6/49 Super Lotto draw nitong Linggo ng gabi.

Ang 6-digit winning number nito ay 37-42-38-05-19-15.

Inaasahang tataas pa ang premyo nito sa susunod na draw.

Binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Kaugnay nito, wala ring nanalo sa hiwalay na draw ng 6/58 Ultra Lotto kung saan halos aabot sa halos ₱50 milyon ang nakalaang premyo.

Hindi nahulaan ng mga mananaya ang winning combination na 23-05-03-22-58-47.

Ang 6/58 Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Nitong Hunyo 11, 2023, isang taga-Makati at isang taga-Caloocan ang tumama sa 6/49 draw at pinaghatian nila ang premyong ₱15,840,000.

Paliwanag ng ahensya, nahulaan ng dalawa ang winning combination na 18-29-21-48-10-08.