Isa si San Juan City Mayor Francis Zamora sa mga naimbitahang dumalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong Lunes, Hulyo 24.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Zamora ang larawan ng imbitasyon ng Kongreso sa kaniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“On my way to the 2nd State of the Nation Address of our dear President Ferdinand R. Marcos Jr.,” saad ng alkalde.

Sinabi rin niya na palagi niyang susuportahan ang proyekto ng pangulo sa bansa.

“I will always be here to support all your projects programs for our country sir!” dagdag pa niya.

Matatandaang si Zamora ang isa sa mga supporter ni Marcos at Bise Presidente Sara Duterte noong nakaraang eleksyon.

Maki-Balita: San Juan City Mayor Francis Zamora, suportado ang BBM-Sara tandem

Magaganap naman ang SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa dakong alas-4 ng hapon.