Diretsahang sinagot ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na para sa kaniya, si Kapuso star Barbie Forteza ang may pinakamagandang dress sa ginanap na GMA Gala 2023 noong Sabado ng gabi, Hulyo 22, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

Ayon kay GMA integrated news reporter na si Carbi Basina, tinanong niya si Joshua kung sino para sa kaniya ang Kapuso star na bibigyan niya ng Best Dress Award.

“Sa mga Kapuso star, sino ang bibigyan mo ng Best Dress Award?” aniya.

“Barbie (Forteza). Siya ‘yong nasa harapan ko kanina. Sabi ko, ang ganda ng dress nito. Hindi siya ganoon ka-flashy pero at the same time, nandoon ‘yong pagka-elegante noong babae,” ani Joshua.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matatandaang bukod kay Joshua, dumalo rin sa GMA Gala ang ilan sa Kapamilya stars at It’s Showtime hosts na sina, Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Jhong Hilario na sabay-sabay dumating sa naturang event.