Tandem in red ang actress-mommy na si Jessy Mendiola at anak niyang si Isabella Rose o mas kilalang “Baby Peanut,” matapos nilang sayawin ang “Maria Mercedes” theme song na iconic role ng aktres noon sa Philippine adaptation ng nabanggit na Mexicanovela.

Sa Instagram post ni Jessy nitong Linggo, Hulyo 23, makikita na full costume pa talaga silang mag-ina habang umiindayog sa nasabing kanta.

Isang malaking pulang rosas na headband na paandar para kay Baby Peanut ang makikita sa ulo nito at ang iconic na red lipstick naman ang makikita sa mga labi ni Jessy na siyang naging trademark niya noon bilang si Maria Mercedes.

“This baby likes to dance. 💃🏻♥️😂 P.S. Sorry everyone, it’s been a while. Kailangan pa ni Mama ng practice sumayaw ulit. 😜😂 #mariamercedes, mababasang caption sa kaniyang naturang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maraming netizens naman ang nakyutan sa ginawang pagbabalik-tanaw ng aktres.

“Ang paa kitang kita gustong sumayaw eh apaka cute pretty na pretty!”

“Cutie!!!!”

“Nakakamiss po panoodin yung Maria Mercedes. Naalala ko po noon lahat kaming mag pamilya lulong doon.”

“Loveitt!!”

“Napaka-CUTE and Charming naman ni Rosie. Gusto na talaga niya mag Dance. Siya na ba ang Future Maria Mercedes? And as usual napa ka Gorgeous nyo po ate Jessy.”

“Ang cute talaga! Kahit anong anggulo. Amazing mother and daughter, dancer na rin peanut paglaki.”

“Rosie The Next Maria Mercedes, Ate Jessy!”

Nakasama ni Jessy sa nabanggit na teleserye sina Jake Cuenca at Jason Abalos na ipinalabas sa ABS-CBN Kapamilya channel noong 2013.