Pakiramdam ng mga netizen ay "sneak peek" ng kaniyang kasal ang latest Instagram posts ni Maja Salvador matapos niyang ibahagi ang mga larawang nakasuot siya ng wedding gown.

Ang nabanggit na mga larawan ay para sa endorsement niya ng isang beauty product.

"Stunning," aniya sa caption.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

View this post on Instagram

A post shared by MAJA (@maja)

Sey naman ng mga netizen, nagbibigay ng "The Killer Bride" at "Ivy Aguas" vibes ang mga larawan ni Maja.

"It’s Killer Bride for me. 💖💖 My favorite teleserye of yours."

"Camillaaaaa!!!!"

"Ivy Aguas/Liliy Cruz ikaw ba 'yan?"

"Anong nangyari bakit parang naging horror na ang kinalabasan?"

"The Killer Bride x Ivy Aguas."

"Lakas maka-Killer Bride Camilla Dela Torre."

Ang "The KIller Bride" ay huling teleseryeng pinagbidahan ni Maja sa ABS-CBN sa 2019 kasama sina Janella Salvador, Geoff Eigenmann, at Joshua Garcia.

At sino ba ang makalilimot sa iconic role niyang "Ivy Aguas/Lily Cruz" sa 2017 hit series na "Wildflower," lalo na ang eksenang nagsuot siya ng itim na wedding gown?

Anyway, malapit na ring ikasal si Maja sa kaniyang fiance at business partner na si Rambo Nunez.