Tawang-tawa at kinilig ang mga netizen sa "lambingan" ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa Instagram matapos ibahagi ng una ang kuwento sa likod ng kaniyang pinag-usapang couture dress at matching clutch na likha ng Maison Schiaparelli, na isinuot sa GMA Gala 2023 noong Sabado ng gabi, Hulyo 22.

Ayon sa Instagram post ni Heart nitong Linggo, Hulyo 23, talagang pinangarap niyang masuot ang nabanggit na outfit na tumabo raw sa milyon ang presyo, at siyempre, mas nagningning pa ito sa kaniyang mamahaling Serpenti Bulgari necklace.

"Every piece has a story, and this is mine and my @schiaparelli ‘s ❤️ It was an absolute dream come true wearing this bespoke haute couture creation at the #GMAGala2023," anang Heart.

Sa comment section naman ng kaniyang IG post, makikita ang reaksiyon dito ng mister na si Sen. Chiz Escudero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"You look absolutely gorg babe… 'wearing this (the bulgari necklace, that is)… and only this… 😜," aniya.

Tugon naman ni Heart, "Hayop ka! Hindi toh Viber! IG toh!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! You guys are the CUTEST!!!"

"Bakit ang expensive pakinggan nung mura pag galing sa'yo?"

"Hahaha sa sobrang🔥🔥🔥 mo kasi nakalimutan ni @escuderochiz na IG page pala 'to! Hayaan mo na, na-carried away lang sa hotness mo."

"Hahaha I love how they talk just like a normal hubby and wife! ❤️"

"Lagot ka sen hahaha."

Samantala, ayon sa isang magazine, ang Serpenti Bulgari necklace ni Heart ay aabot sa ₱7M.