Nakataas pa rin sa Signal No. 1 at 2 ang ilang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na lumalakas na bagyong Egay, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng hapon, Hulyo 24.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng typhoon Egay 500 kilometro ang layo sa silangan ng Baler, Aurora, taglay ang maximum sustained winds na umaabot sa 155 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 190 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-north northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil sa naturang paglakas ng typhoon Egay, itinaas na ng PAGASA sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

Luzon

  • Catanduanes 
  • Silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi)
  • Hilagang bahagi ng Camarines Norte (Calaguas and Maculabo Islands)
  • Silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagñay)
  • Isabela
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
  • Quirino
  • Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  • Apayao
  • Kalinga
  • Gitna at silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc)
  • Silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag)
  • Silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Lagawe, Banaue, Hingyon, Lamut)
  • Gitna at silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagangilang, San Juan, Dolores, Lagayan, Danglas, La Paz, Daguioman, Boliney, Bucloc, Licuan-Baay, Sallapadan, Tayum, Bucay, Bangued, Peñarrubia, Manabo, Tubo)
  • Ilocos Norte 
  • Batanes

Visayas

  • Hilagang-silangan ng Northern Samar (Laoang, Palapag)

Signal No. 1

Luzon

  • Sorsogon
  • Masbate kabilang na ang Ticao Island
  • Burias Island
  • Mga natitirang bahagi ng Albay
  • Mga natitirang bahagi ng Camarines Sur
  • Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte
  • Mga natitirang bahagi ng Abra
  • Mga natitirang bahagi ng Mountain Province,
  • Mga natitirang bahagi ng Ifugao
  • Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
  • Quezon kabilang na ang Pollilo Islands
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Benguet
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Zambales
  • Bataan
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Cavite
  • Laguna
  • Marinduque
  • Gitna at silangang bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando) 
  • Hilaga at silangang bahagi ng Batangas (Calaca, Cuenca, Taysan, Lian, Tuy, Balayan, Talisay, Padre Garcia, Agoncillo, Santo Tomas, San Jose, Lemery, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Nasugbu, San Juan, San Nicolas, Rosario, Laurel, Santa Teresita, Taal, Malvar)

Visayas

  • Eastern Samar
  • Mga natitirang bahagi ng Northern Samar
  • Samar
  • Biliran
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Mahaplag, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, Abuyog, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Javier, Dulag, Capoocan, Alangalang, City of Baybay, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
  • Hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang na ang Bantayan Islands, Camotes Islands

Ayon pa sa PAGASA, maaaring patuloy na tumindi ang bagyong Egay at umabot sa kategoryang ‘super typhoon’ sa bukas ng gabi, Hulyo 25, o sa unang bahagi ng Miyerkules, Hulyo 26.

Inaasahan naman umanong lalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Huwebes, Hulyo 27, habang lumilipat ito sa dakong timog-kanluran ng karagatan ng Taiwan.