Tila nakarating na sa kaalaman ni "It's Showtime" host Anne Curtis ang ilang komento ng netizens patungkol sa kaniyang outfit sa nagdaang GMA Gala 2023.

Sa Instagram story ni Vice Ganda, ibinahagi niya ang isang video kung saan tila nagpalit na sila ng damit ni Anne pagkatapos ng event.

Nakaharap sila sa isang salamin habang tila nagvi-video sa kanilang mga sarili.

Hirit ni Vice kay Anne, tila mas maganda raw siya kaysa rito kapag malayo at malabo ang kuha.

Anne nagmukha raw shanghai na hindi pa napiprito: 'Pero ang ganda mo pa rin!'

Tugon naman ni Anne, "Here, have some lumpia," na tumutukoy sa kaniyang hawak at nakatupi nang gown.

Nagkatawanan na tuloy ang dalawa.

Bagama't marami ang pumuri sa kaniyang awrahan noong gabing iyon na tila "channelling Audrey Hepburn," isang netizen naman ang nagsabing nagmukha raw siyang "lumpiang shanghai" sa kaniyang suot.

"Hindi ko talaga matanggap ‘yung suot ni Ms. Anne Curtis sa #GMAGala2023. Mukhang shanghai na hindi pa napiprito. Here’s the comparison to prove my point," anang netizen/content creator, kalakip ang comparison photo ni Anne at sa isang litrato ng lumpiang shanghai.

Sa dulo ay bumawi naman ang netizen.

"Pero ang ganda mo pa rin po, Ms. Anne. Loveyouuu!"

Marami rin sa iba pang netizen ang tila nadismaya sa kaniyang outfitan at looks, na hindi raw nila inaasahan sa isang Anne Curtis.