National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinimulan na naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng family food packs sa mga residenteng lumikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa Facebook post ng DSWD, pinangasiwaan ni Bicol regional director Norman Laurio ang relief goods distribution.

Layunin ng hakbang ng ahensya na mabigyan ng pagkain ang 5,000 pamilyang nananatili sa mga evacuation center sa lalawigan.

Ang nasabing FFPs ay kasunod lamang ng financial aid na aabot sa ₱12,000 na ipinamahagi bilang bahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) ng DSWD.

Kamakailan, nangako ang gobyerno na hindi nila pababayaan ang mga evacuee hangga't hindi pa bumabalik sa normal ang sitwasyon ng bulkan.