Ibinahagi ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kaniyang "best moments" sa pagdalo sa ginanap na GMA Gala 2023 noong Sabado ng gabi, Hulyo 22, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

In fairness, bukod sa Kapuso stars, mas inabangan ng mga netizen ang pagdating ng ABS-CBN stars na imbitado sa nabanggit na event, kung pagbabatayan ang comment section sa live streaming sa kani-kanilang social media platforms.

Dumating si Vice kasama sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Anne Curtis na nasa bandang dulo na ng pagrampa sa red carpet at kaunting interview dumating.

Sa kaniyang tweet nitong Hulyo 23 ay ibinahagi ni Vice ang kaniyang limang best moments sa nabanggit na event.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Una na rito ay nang muli niyang maka-catching up ang dating Kapamilya star na si Bea Alonzo, kasama ang fiance nitong si Dominic Roque.

Sumunod, muli raw niyang nakasama ang ilang Kapuso GenZ friends. Isa na rito si Kyline Alcantara.

Pangatlo, nakaharap niya ang idolong si Michael "Bitoy" V, na umaasam na mag-guest si Vice sa "Bubble Gang."

Pang-apat, nakaharap si Lyn Ching at napag-alamang magkapitbahay sila.

At panlima, nagkaayos na raw sina Zeinab Harake at Toni Fowler na parehong imbitado sa nabanggit na event.

https://twitter.com/vicegandako/status/1683052698030215169

Sa kabilang banda, sa comment section ay maraming nag-usisa kay Vice kung nagkaharap din ba sila ni award-winning GMA news anchor Jessica Soho, gayundin ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas.

Inaabangan din kung magkikita silang "It's Showtime" hosts at dating co-host na si Kuya Kim Atienza.

Hindi naman naispatan sa nabanggit na event ang dati nilang co-host na si Billy Crawford.