Isa sa mga dumalo sa pinag-usapang "GMA Gala 2023" si GMA headwriter Suzette Doctolero, na aniya ay nakayakap ang isang personalidad na dumalo rin sa nabanggit na showbiz event, na madalas niyang "nakakaaway" at "nakakashorayan" noon.

Ani Suzette, nagtama ang mga mata nila ng nabanggit na personalidad at nagkahalakhakan ba bago nagyakapan.

"Mayroon rin akong nakita last night, nakaka-'away' madalas, nakakashoroyan, pero nung nagtama ang mga mata namin kagabi, kapwa kami napahalakhak sabay hug na mahigpit."

"Parang pamilya na nakakaasaran mo, pero bati pa rin kayo kasi iisa ang mundo ninyo," dagdag pa ng award-winning writer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1683019789554556929

Bagama't walang binanggit kung sino, hula ng netizens ay si showbiz insider at talent manager Ogie Diaz ang binabanggit niya, na naispatang dumalo rin sa nabanggit na gala, kasama ang co-hosts sa "Ogie Diaz Showbiz Update" na sina Mama Loi at Tita Jegs.

Wala namang kumpirmasyon mula kay Suzette kung si Ogie nga ang kaniyang tinutukoy.

Samantala, ibinahagi rin ni Suzette ang litrato niya kasama ang "It's Showtime" host at Kapamilya star na si Anne Curtis. Makikita rin dito sina Jhong Hilario at Vhong Navarro.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1683009630417604608