Tila itinuwid ni Kapamilya host Robi Domingo ang isang fan na nagpadala ng fruit baskets sa fiancee niyang si Maiqui Pineda habang nasa ospital ito.

Ibinahagi kasi ni Robi ang larawan nila ng jowa habang nakahiga ito sa hospital bed.

Sa larawan, makikitang kay luwag-luwag ng ngiti ng dalawa, at sa may bandang braso ni Maiqui ay makikitang may tila telang puti.

Sey ng ilang netizens ay mukha ngang nanganak ang jowa ni Robi kung pagbabatayan ang larawan, kahit wala namang makikitang ni anino ng sanggol dito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pero sa text caption ni Robi, tinawag niyang "Baby" si Maiqui.

"Like, 'Baby, making her laugh is part of my lifetime duty," anang Robi.

Samantala, isang nagngangalang "Akari" ang nagpadala ng prutas para kay Maiqui na may nakawiwindang na mensahe sa dulo.

Mababasa sa note, "To Ate Maiqui, I'm praying for your fastest recovery. Get well soon with much more strength than before Ate!"

"Also, congratulations for the baby boy!" dagdag pa nito.

Sa kaniyang text caption, nagpasalamat naman si Robi sa thoughtfulness ni "Akari" subalit nilinaw niyang wala pa silang anak ni Maiqui at hindi ito nagsilang ng baby boy.

"PS. No babies yet," anang Kapamilya host.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"May gender pa talaga haha san naman nakuha ng Akari yun."

"Para naman kasing nanganak itsura nila."

"Anong sakit ni ate girl?"

"Ang sosyal at classy ng face ni girl..."

Hulyo 18 nang ibahagi ni Robi na nasa ospital ang kaniyang fiancee.

"These past few weeks have been difficult to say the least... but I'll be here for you, with you," aniya.

Hindi na inelaborate o binanggit ni Robi kung ano ang pinagdaanan ni Maiqui.

Nobyembre 2022 nang mag-propose si Robi kay Maiqui sa sikat na Shibuya crossing na nasa Japan.