Isang fan ni Broadway Diva Lea Salonga ang tila nagtanggol at nagpatotoong mabuti ang pakikitungo nito sa mga kagaya niyang nagnanais na magpa-picture.

Ayon sa Facebook post ni Joey Duenas mula sa Sta. Cruz, Manila at dating video editor sa isang TV network, hindi siya makapaniwala sa ginawa sa kaniya ni Lea nang subukan niyang magpakuha ng litrato katabi nito.

Noong una raw ay nag-alangan siyang lapitan ito, subalit nang magtama raw ang mga mata nila ni Lea, hindi siya makapaniwala sa ginawa nito.

"Nahihiya akong lumapit kay Lea Salonga no'n para magpa-picture kasi nga syempre international and award winning actress tapos Inglesera pa hahaha," aniya sa kaniyang Facebook post.

Fan parang ipis na tinapakan, kutong tiniris daw sa ginawa ni Lea

"Ngumiti lang ako sa kaniya at nagulat ako bigla s'ya lumapit sa'kin kaya ako nakapagpa-picture sa kaniya hehehe sobrang bait..."

"Salamat idol," aniya pa.

Sa panayam ng Balita kay Joey, napag-alamang 2014 pa pala nangyari ang kaniyang engkuwentro kay Lea.

"Nov. 24,2014 pa po ito bago mag-launch ng The Voice, sa studio nito mismo. Nang nalaman namin na nasa studio si Ms. Lea, bumaba kami ng officemate ko sa studio. Kaya lang may kausap s'ya at nahihiya kami lumapit pero hawak namin mga phone namin tapos nakatingin lang kami sa kaniya."

"Tapos s'ya habang nakikipag-usap, tumitingin-tingin s'ya sa'kin naghihintay siguro s'ya lumapit ako kasi nahihiya ako. Tapos noong tumingin ulit s'ya sa'kin ngumiti ako sa kaniya tapos ngumiti rin s'ya saka n'ya ko tinawag sabi n'ya 'Tara picture tayo.' Kaya kung makikita n'yo yung picture namin dalawa parang s'ya pa yung nagpa-picture sa'kin. Ganoon din yung sa officemate na kasama ko," paliwanag ni Joey.

Hindi naman maitatanggi ni Joey na kahit nagtatrabaho siya sa isang network, napagalitan na rin siya matapos basta pumasok na lang sa dressing room ng isang celebrity upang magpa-picture. Dito ay sinabi sa kanilang kahit empleyado sila sa nabanggit na kompanya, kailangan pa ring respetuhin ang privacy ng celebrities, at bahagi nito ang huwag basta-basta pumasok sa dressing room.

"Celebrity kasi si Ms. Lea then big star kaya napakalaking isyu talaga kapag tumanggi sila to take pictures with them. Iisipin agad masungit or madami na agad negative na masasabi like me madami na din akong experience na magpa-picture sa mga celebrity na tinanggihan ako (di na siguro ako mag name drop) at meron pa 1 time pumasok ako ng dressing room din para magpa-picture. Feeling ko okay lang dahil empleyado naman ako ng ABS-CBN pero pinagalitan ako kasi bawal daw 'yon at privacy nila 'yon..."

"Sabi nga ni Ms. Lea, na once manood ka ng isang show, binabayaran mo yung pag-perform ng isang performing (artist). Maski gaano pa 'yan kamahal hindi nangangahulugan na access na lahat pati yung privacy nila. Bakit naman sa mga big star sa Hollywood like Justin Bieber hindi ka basta-basta makakapasok sa area na off limit like dressing room kung saan sila nag-stay."

"Hanggang picture lang sa stage ang puwede mo gawin, bakit 'yon nire-respect pero bakit pagdating sa 'tin na Pinoy, once na tanggihan ng kapwa Pinoy na celebrity bakit big issue agad at kung ano-anong negative na maririnig."

"For me tama lang yung ginawa ni Ms. Lea for her own security na rin at sumusunod lang s'ya sa rules na once pinagbigyan n'ya na magpa-picture itong mga sumugod na mga fans sa dressing room ay maiinggit at magsusunuran din yung iba na maaaring pagmulan ng gulo tapos kapag di napagbigyan ang iba syempre di yon maiiwasan na magtampo."

"In fact pinagbigyan naman sila ni Ms. Lea na magpa-picture sa tamang place. Doon naman sa uploader dapat hindi na ito pinost pa kung talagang fan siya ni Ms. Lea," aniya.

Matatandaang nag-viral ang video ng isang fan na nagtungo sa bungad ng dressing room ni Lea upang magpa-picture, subalit sinaway sila ni Lea dahil hindi raw sila kilala at ito ang protocols doon.

Sa panayam kay Julius Babao, sinabi ng nabanggit na fan na hindi siya hihingi ng dispensa sa kaniyang ginawa, at pakiramdam niya ay para siyang "ipis na inapakan" at "kutong tiniris" sa ginawa ni Lea.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter