Usap-usapan ngayon ang viral Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "Keneth Quinto" matapos nitong magbigay ng reaksiyon sa outfit ni "It's Showtime" host at Kapamilya star Anne Curtis, nang dumalo ito sa GMA Gala 2023 nitong Sabado ng gabi, Hulyo 22, 2023.

Kasamang dumalo ni Anne ang iba pang Showtime hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro.

"Audrey Hepburn" daw ang peg ni Anne sa kaniyang looks, na binagayan din ng kaniyang pa-bangs na hairstyle.

Bagama't marami ang pumuri sa kaniyang awrahan, isang netizen naman ang nagsabing nagmukha raw siyang "lumpiang shanghai" sa kaniyang suot.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hindi ko talaga matanggap ‘yung suot ni Ms. Anne Curtis sa #GMAGala2023. Mukhang shanghai na hindi pa napiprito. Here’s the comparison to prove my point," anang netizen/content creator, kalakip ang comparison photo ni Anne at sa isang litrato ng lumpiang shanghai.

Sa dulo ay bumawi naman ang netizen.

"Pero ang ganda mo pa rin po, Ms. Anne. Loveyouuu!"

Anne Curtis (Photo courtesy: Keneth Quinto's FB)

Samantala, mukhang nakarating na kina Anne at Vice ang tungkol sa lumpia, matapos magbiro tungkol dito ni Anne. Makikita ito sa Instagram story ni Vice.

Vice Ganda at Anne Curtis (Photo courtesy: Vice Ganda's IG)

Umabot na sa 22k reactions at 6.8 shares ang nabanggit na viral FB post.

Sa kaniyang Instagram post naman ay flinex ni Anne ang kaniyang outfitan.

"Thank you for having us ✨#GMAGala2023," aniya sa caption.