National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Suspendido muna ang pagproseso ng ayuda sa central office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay Batasan Hills, Quezon City sa Lunes, Hulyo 24.

Sa social media post ng ahensya, bibigyang-daan muna nila ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gaganapin sa Batasan Pambansa.

Partikular na sinuspindi ang pagtanggap ng request at proseso ng tulong sa ilalim ng assistance  to individuals in crisis situations (AICS) program.

Sinabi ng DSWD na magbabalik ang kanilang regular na operasyon sa kanilang Central Office sa Martes, Hulyo 25.