Naging emosyunal ang "E.A.T." host na si Maine Mendoza nang bigyan siya ng bridal shower nina Tito, Vic, and Joey (TVJ) at mga kasamahan sa nabanggit na noontime show.

Sa Saturday episode ng show, Hulyo 22, pumasok sa studio si Maine habang sumasayaw ng "Single Ladies" ni Beyonce.

Pagkatapos ay naupo siya sa isang "queen chair" at sinuutan ng sash na may nakalagay na "bride to be." Hinarana naman siya nina Joey Generoso, Carren Eistrup at Ice Seguerra.

Napaiyak naman nang tuluyan si Maine nang kantahin ni Ice ang "Yellow” ng Coldplay.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

At siyempre, hindi naman nagpahuli ang TVJ gayundin sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at ang co-host nilang si Zombie.

Naging emosyunal si Maine maging ang iba pang hosts nang magpasalamat ang una sa pagkakataong maging bahagi ng show.

Si Maine ay sumikat nang husto bilang si "Yaya Dub" at nang biglaang makatambal ni Alden Richards sa Kalyeserye, at nakilala ang kanilang tambalan bilang "AlDub," isa sa mga pinakamatatagumpay na segment ng "Eat Bulaga."

Malapit nang ikasal si Maine sa kaniyang fiance na si Kapamilya actor-public servant Arjo Atayde.

Kamakailan lamang ay ibinida ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang kanilang pamamanhikan sa pamilya Mendoza sa Bulacan.