Muli na namang pinakilig ng aktor na si Dominic Roque ang followers at supporters nila ng fiancée na si Kapuso star Bea Alonzo matapos niyang mag-post ng mala-tribute video nila, kaugnay ng pinag-usapan niyang wedding proposal kamakailan.

Inamin ni Dominic na noon pa man ay crush na niya si Bea, lalo't pareho silang Star Magic artists noon at nasa bakuran ng ABS-CBN.

"Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko," ani Dominic.

"Indeed, God always has His perfect time for all of us," dagdag pa.

Celebs, netizens nagpaabot ng pagbati sa engagement nina Bea at Dominic

"Super thanks @markednicdao @pamquinones @qurator_studio."

Noong Hulyo 19 ay ginulat ni Bea ang kaniyang kapwa celebrities at netizens nang finally ay ipamalita niya ang naganap na engagement, na nangyari naman noong Hulyo 18 sa Las Casas Filipinas De Acuzar sa Bataan, sa kasagsagan ng kaniyang photoshoot kay Mark Nicdao.