Matapos ang balitang engagement nina Bea Alonzo at Dominic Roque noong Hulyo 19, 2023, muli na namang hinanap ng mga netizen ang Kapamilya star na si Angel Locsin.

Si Angel ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Bea, kaya naman inabangan ng fans at followers ng tinaguriang "real-life Darna" kung magpapaabot ba ito ng pagbati sa comment section ng Instagram post ng kaibigan.

Matatandaang nagkasama ang dalawa sa pelikulang "Four Sisters and a Wedding" na hanggang ngayon ay patuloy pa ring napag-uusapan, at paminsan ay ginagawan pa ng memes.

Hindi ito ang unang beses na hinanap ng mga netizen si Angel.

Binyag-birthday ng anak ni Dimples star-studded; Angel Locsin, hinanap

Sa binyag ng bunsong anak ng isa pa niyang matalik na kaibigan na si Dimples Romana, hinanap din ng mga tao si Gel; nagbabaka-sakaling makita nila ito sa event, kahit na hindi na magkomento o mag-post sa social media.

Subalit wala pa ring Angel Locsin na nasilayan ng publiko.

Biro pa nga sa isang tweet, si Angel daw ang tunay na "Silent Superstar."

https://twitter.com/boutAngelLocsin/status/1681640095542312960

https://twitter.com/boutAngelLocsin/status/1681637570579509252

https://twitter.com/Jempoyyy/status/1681643606073909248

https://twitter.com/auntieselinamo/status/1681585654260715520

Halos mag-isang taon na rin kasi simula nang mag-social media at showbiz hiatus si Angel kaya marami na ang nasasabik malaman kung kumusta na ba siya.