May makahulugang Instagram post ulit si "E.A.T." host Joey De Leon hinggil sa kanilang noontime show sa TV5.

Ibinida ni Henyo Master ang mga bagong segment ng nabanggit na noontime show sa kaniyang IG post nitong Hulyo 22, 2023.

"Here’s Miss Tapsilog’s Bridal Shower Special Menu for today on TVJ’s TV 5 'E. A. T.'—-wala pa dyan yung MABUHAY ANG BAGONG INASAL! Featuring 'Sino Ang Manok Nyo? (Sino Ang HEN Nyo?)', 'Wag Kang Ganun Huy!', 'Sugod Bahay Mga Kapatid!' and a lot more."

Sa bandang dulo, naniniwala umano si Joey na bagama't hindi nila gamit ang tiutlong "Eat Bulaga," sila pa rin ang "longest running noontime show."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Eto yung THE LONGEST RUNNING NOONTIME SHOW! Iba naman at hindi ito ang TOLONGGES Noontime Show!" anang Joey.

Matatandaang nasa korte na ang labanan sa copyright ng titulo ng noontime show, at inaabangan na rin kung ano-anong mga pasabog ang gagawin nila sa Hulyo 30, kung saan ipagdiriwang ang anibersaryo ng "Eat Bulaga!"